MAGANDANG kakasa na lang sa panawagang hair follicle test si Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Ito’y dahil pinag-uusapan na ng publiko ang naturang isyu laban sa Chief Executive, ayon kay Ronald Cardema ng Duterte Youth Party-list.
Dagdag pa ni Cardema, walang problema kung aaminin ng Pangulo sakaling nagdroga ito noon, lalo na kung nagbagong-buhay na ito ngayon.
Ang problema, aniya, ay kung gumagamit pa rin ito sa kasalukuyan.
Matatandaang tumanggi si Marcos Jr. na magpa-hair follicle test sa kabila ng panawagan ng kaniyang dating Executive Secretary na si Atty. Vic Rodriguez.
Ani Marcos Jr., wala umano itong kinalaman sa public trust at public service.
Sa opinyon ng political commentator na si EB Jugalbot, mistulang naging ‘defensive’ agad ang Pangulo hinggil sa paksa nang sabihin nitong walang kinalaman ang hair follicle test sa public trust at public service.
Kung iisipin, hindi lang siya ang hinahamon kundi pati lahat ng naglilingkod at nais pang maglingkod sa pamahalaan. Maging ang mga kakandidato ng Epanaw Sambayanan Party-list at si Cong. Pulong Duterte ay sumailalim na rin sa naturang test.