Mas malawak na subsidy programs sa 2024, iminungkahi upang malabanan ang magiging epekto ng El Niño

Mas malawak na subsidy programs sa 2024, iminungkahi upang malabanan ang magiging epekto ng El Niño

HINIHIKAYAT ni House Minority Leader Nonoy Libanan na magkaroon ng mas malawak o karagdagang subsidy programs ang pamahalaan sa 2024 lalo na’t inaasahan ang malaking epekto ng El Niño sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Inihalimbawa ni Libanan ang pagkakaroon ng expanded cash aid at iba pang uri ng suporta gaya ng food stamps.

Mainam aniya ito kasabay ang ipinatupad na increase sa minimum na sahod kung saan nasa 3.82 milyon na manggagawa ang nakakabenepisyo.

Kung sisilipin, nakapaloob naman sa P5.768-T na 2024 national budget ang P60-B para sa ayuda sa kapos ang kita na programa na nagbibigay ng one-time P5-K cash sa 14 milyong poor at low-income households.

Mayroon ding P30-B para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) program at P23-B para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

May pondo ring nakalaan para sa cash transfers ng 4.4 milyon pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nagkakahalaga ng P112.8-B.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble