GINANAP ang Mass Oath-Taking para sa mga lokal na opisyal at bagong miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino o PDP-Laban sa Lanao del Norte.
Isinagawa ang aktibidad sa Kauswagan International Organic Convention Center sa bayan ng Kauswagan.
Kasama sa aktibidad ang national at local officers ng nasabing partido, representante ni Pastor Apollo C. Quiboloy at si Atty. Jayvee Hinlo, isa sa mga senatoriables ng PDP-Laban.