Matatag na ugnayan ng Southeast Asia sa US hinggil sa maritime issues at iba pa, isinusulong ni PBBM

Matatag na ugnayan ng Southeast Asia sa US hinggil sa maritime issues at iba pa, isinusulong ni PBBM

MAS matatag na ugnayan sa pagitan ng Estados Unidos.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kapwa nito Southeast Asian nations sa 10th ASEAN-US Summit sa Phnom Penh, Cambodia upang matugunan ang maritime issues at transnational crime.

Sinabi ni Pangulong Marcos na bukas ang ASEAN countries sa konkretong mga proyekto ng Estados Unidos kontra transnational crime, terorismo at human trafficking.

Nakabubuti rin kung magpapatuloy ang capacity-building programs para sa law enforcement agencies at personnel sa pamamagitan ng International Law Enforcement Academy at ng Senior Officials’ Meeting on Transnational Crime + US.

 

Follow SMNI News on Twitter