ITINANGHAL na ‘top student’ sa naganap na Very Important Person Protection Course (VIPPC) for Class 129-2022 at 130-2022 ang aktor na si Matteo Guidicelli.
Kasabay ang pagtatapos sa nasabing PSG training ni Matteo, nakatanggap din ito ng 3rd sharp shooter award na iginawad ni Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos.
Naganap ang nasabing closing ceremony sa PSG Grandstand sa Malakanyang na dinaluhan din naman ng kanyang asawa na si Sarah Geronimo.
Ang VIPPC ay isang specialized professional service course na kung saan layunin ng programang ito na tiyakin ang proteksyon ng Pangulo ng Pilipinas at ang First Family.