2nd Lt. Matteo Guidicelli, nag-graduate na sa VIPPC ng PSG

2nd Lt. Matteo Guidicelli, nag-graduate na sa VIPPC ng PSG

ISINAGAWA ng Presidential Security Group (PSG) ang joint closing ceremony ng kanilang Very Important Person Protection Course (VIPPC) para sa Class 129-2022 at 130-2022.

Kabilang sa grumadweyt sa PSG Training Program ay ang aktor na si Matteo Guidicelli, na naging unang celebrity reservist ng VIPPC.

Ginanap ang naturang aktibidad sa Malacañang Park sa Maynila nitong October 24, 2022.

Kasama ni Guidicelli sa naturang event ang kanyang maybahay, ang singer at actress na si Sarah Geronimo at pamilya nito.

Layon ng VIPPC na protektahan ang First Family.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Guidicelli sa lahat na sumuporta sa kanya at sinabing isang karangalan na maging bahagi ng mga pagsasanay sa PSG.

Follow SMNI NEWS in Twitter