Maunlad na Republika para sa ika-125 Araw ng Kalayaan—PBBM

Maunlad na Republika para sa ika-125 Araw ng Kalayaan—PBBM

MAUNLAD na Republika ang nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa bawat Pilipino saan mang panig ng mundo ang kaniyang mensahe para sa ika-125 Araw ng Kalayaan.

Tuwing Hunyo 12 ay ipinagdiriwang ng Pilipinas and Araw ng Kalayaan.

Ito rin ang araw kung saan isinilang ang Pilipinas bilang isang bansa.

Sa naging mensahe ni Pangulong Marcos, hinimok nito ang bawat Pilipino na patuloy na igiit ang kalayaan sa bawat araw.

Dagdag ng Punong Ehekutibo na sa lahat ng pagkakataon ay laging itaguyod ang pagiging mahusay at may integridad na siyang nais ng ating mga ninuno na naghirap upang makamtan natin ang tinatamasang kalayaan.

“On the 125th year since the declaration of our freedom, let us assert our liberty day by day. In everything we do, let us pursue excellence and integrity with the knowledge that we are living out the visions our predecessors held on to and the comfort they toiled for,” mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ipinapaabot din ni Pangulong Marcos ang kaniyang mainit na pagbati sa lahat ng Pilipino sa buong mundo.

Aniya nakatuon ang kaniyang administrasyon sa mga hakbang para sa pagbuo ng maunlad na Republika ng Pilipinas.

Flag Raising Ceremony sa Luneta, pinagunahan ni PBBM

Samantala, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at mga anak nitong si Ilocos Norte Rep Sandro Marcos at Simon Marcos.

Sinundan naman ito ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Jose Rizal sa Luneta kasama National Historical Commission of the Philippines Chair Dr. Emmanuel Franco Calairo at AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino.

PBBM, pinangunahan ang Independence Day Grand Parade sa Quirino Grandstand

Sinaksihan naman ni Pangulong Marcos ang parada ng kalayaan kung saan tampok ang mga artillery assets, humanitarian and disaster response equipment mula sa iba’t ibang sangay ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology.

Naging magandang pagkakataon ito upang maipakita sa publiko na malayo na rin ang narating ng AFP modernization na isinusulong ng pamahalaan.

Naging aktibo rin ang iba’t ibang sektor at kawani ng pamahalaan na nakilahok sa civic parade.

Nakuha naman ng National Youth Commission na isulong sa parada nito ang adbokasiyang gawing mandatory ang ROTC, CAT at Scouting.

Bahagi rin ng parada ang mga kawani mula sa iba-ibang pamahalaang lokal sa National Capital Region at non-government organizations.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter