PANGUNGUNAHAN mismo ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang pagdiriwang ng ating 125th Independence Day mula sa mga dayuhang mananakop sa bahagi ng Malolos Bulacan.
Simultaneous itong aktibidad kung saan ay gagawin din ang independence rites sa bahagi ng Maynila at Kawit Cavite na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan”.
Sa Malolos Bulacan, sisimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng flag raising ceremony, bilang ating katapatan sa watawat ng Pilipinas sa makasaysayang Barasoain Church.
Makasaysayan ang Barasoian Church dahil dito naganap ang tatlong mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas:
Una ang pagpupulong ng Unang Kongreso ng Pilipinas noong Setyembre 15, 1898; ang pagbalangkas sa Konstitusyon ng Malolos mula noong Setyembre 29, 1898 hanggang Enero 21, 1899;
At ang pagpapasinaya ng Unang Republika ng Pilipinas noong Enero 23, 1899.
Samantala pagkatapos ng flag raising, susundan naman ito ng wreath laying ceremony o pag-aalalay ng bulalak sa monumento ni General Emilio Aguinaldo na siyang ating kauna-unahang pangulo ng bansa noong 1899-1901 at siyang unang nanguna sa ating Ph Forces laban sa mga Espanyol noong 1896–1898.
Maliban kay Gesmundo, inaasahan din ang mga mahahalagang opisyal ng Bulacan tulad ni Governor Daniel R. Fernando, Vice. Governor Alex Castro, Malolos Bulacan Mayor Christian Natividad at iba pang alkalde ng Bulacan.
Kasunod nitong independence rites ang Provincial Government ng Bulacan ay magsasagawa ng jobfair sa Bulacan Capitol Gymnasium ngayong araw kung saan 9,000 trabaho ang maaring aplyan ng mga Bulakenyos.