Mayamang kultura ng iba’t ibang tribo ng Mindanao, tuklasin sa Cagayan de Oro City

Mayamang kultura ng iba’t ibang tribo ng Mindanao, tuklasin sa Cagayan de Oro City

SA lungsod ng Cagayan de Oro ang unang stop ng Northern Mindanao Leg ng Philippine Experience—Culture, Heritage, Arts Caravan ng Department of Tourism.

Mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA), bumiyahe tayo patungong Laguindingan Airport para marating ang City of Golden Friendship.

Pinangunahan mismo ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco ang delegado ng pangwalong Philippine Experience.

Layon ng programa na mas makilala pa ang napakayamang turismo sa iba’t ibang lugar sa bansa mula sa kultura, pagkain, hanggang sa mga nagagandahang tourist spot.

At kung ang mga kultura ng iba’t ibang tribo ng Mindanao ang iyong nais tuklasin, isa ang Cagayan de Oro sa dapat mong mapuntuhan.

“Dito sa Cagayan de Oro, all the tribes have gathered converge here because ito ‘yung pinakamalapit sa Bukidnon,” ayon kay Jenny, Region 10 – Tour Guide.

“Because of our proximity to Bukidnon and the rest of the Misamis Oriental, dito talaga makikita mo ‘yung mga para siyang melting pot ng mga indigenous peoples of the region,” dagdag ni Jenny.

“Kung kayo ay nandito sa Cagayan de Oro City, huwag ninyong palampasin ang pagkakataon na mabisita ang Museo de Oro. Isa sa mga tampok sa museong ito ay ang etnolohiya ng Mindanao. Dito mas mauunawaan natin ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kultura, tradisyon, at kaugalian ng iba’t ibang tribo sa Mindanao. Dito rin matatagpuan ang ilang mahahalagang artifacts tulad na lamang nitong mga buto ng isang prehistoric Stegodon na isang uri ng elepante na natagpuan sa Laguindingan, Misamis Oriental.”

“We have a vibrant colourful culture that we can offer,” saad ni Oscar Esteban Floirendo, OIC Curator, Museo de Oro.

“For the visitors, they will be able to see the way of life of our city, our people. And our history as well, our local culture, our local heritage,” wika ni Floirendo.

“We need to be proud to our own history, our own culture as well. It takes to know our history in order for us to move forward for a better tomorrow,” ani Floirendo.

Bukidnon, may kakaibang adventure na hatid sa mga turista

Mula Cagayan de Oro, bumiyahe naman ng halos dalawang oras ang delegado ng Philippine Experience patungong Bukidnon para sa kakaibang adventure sa Dahilayan, Manolo Fortich.

At kung adventure ang hanap niyo, Dahilayan Adventure Park is the right place for you!

Sikat ang lugar sa mga nais ng iba’t ibang outdoor activities habang nae-enjoy ang ganda ng kalikasan na napapalibutan ng daang-daang pine trees.

At dahil malamig ang simoy ng hangin, nakapagpahinga muna tayo mula sa init ng panahong dulot ng El Nino phenomenon.

Hindi naman nagpahuli si Secretary Frasco at sinubukan ang isa sa mga kilalang rides sa lugar, ang Razor Back.

“Nakakaaliw at medyo nakakakaba.”

“It was truly an amazing experience. This is something very unique. And I encourage our tourists from around the world and from around the Philippines to try all the adventures that Dahilayan has to offer here in Bukidnon,” saad ni Secretary Christina Garcia Frasco, Department of Tourism.

Hindi makukumpleto ang Dahilayan Adventure Park experience mo kung hindi mo masusubukan ang napakahabang dual zipline sa Asya

May habang 840 meters ang zipline at may nakakalulang taas ito na 4,700 feet above sea level.

At matapos nga ang nakakagutom na mga makapigil-hiningang rides sa Dahilayan Adventure Park, kakaibang food experience naman ang hatid ng Kumaykay River Farm.

Dito matitikman ang iba’t ibang Western food at maging mga pagkaing-Pinoy.

At tiyak mae-enjoy mo ang iyong kinakain habang napapakinggan ang mga kantahan at napapanood ang mga sayawan ng mga cowboy at cowgirl.

Mindanao, handa nang tumanggap ng mas maraming turista—DOT

Sabi ni Frasco, patunay ang Cagayan de Oro at Bukidnon na handang-handa na nga ang turismo ng Mindanao na tumanggap pa ng mas maraming turista.

“Mindanao is ready for tourism. Mindanao is ready to welcome the world to its beautiful land, its wonderful shores, and to share the bounty that is so abundant here,” ayon pa kay Frasco.

Dito sa Northern Mindanao, andaming mga emerging destinations that we feel have massive potential to offer immersive purposeful and experiential travel.

Embahada ng Malaysia at konsulado ng Austria, pinuri ang Mindanao

Pinuri naman ng embahada ng Malaysia at konsulado ng Austria ang Mindanao na parehong delegado ng Philippine Experience.

“I think people have to come here to know that Mindanao is totally safe. Maybe there are some areas or pockets of areas that you may exercise some caution, but generally Mindanao has been such a welcoming tourist attraction. I think you should dispel the myth that Mindanao is not a safe place,” pahayag ni Mohd Fareed Zakaria, Deputy Chief of Mission, Embassy of Malaysia.

“Northern Mindanao, I have been already here many times. So, I always enjoy it. You have a fantastic climate. You have fantastic food. And you have fabulous people,” ayon kay Dr. Peter Faistauer, Honorary Consul, Republic of Austria.

Mas pag-usbong ng turismo ng northern Mindanao, inaasahan ng mga tour guide at mga nagtitinda ng souvenirs

Positibo naman ang mga taga Northern Mindanao, na mas uusbong pa ang turismo sa rehiyon dahil sa programang Philippine Experience.

“Cagayan de Oro City is the gateway to the rest of the region and in fact the rest of Mindanao. So, we do expect a lot of tourist traffic as a result of the Philippine experience,” ayon kay Jenny, Region 10 – Tour Guide

“Sila ‘yung bibili talaga ng souvenirs. Tapos pagbibili sila kasama na ‘yung pamilya nila. Ganoon, ganoon, ganoon. Parang lahat nandoon sa kanilang bahay, bilhan ng lahat. So benta din po ‘pag may turista po,” ani Bibing Magallanes, nagtitinda ng mga souvenir.

“Bukod sa malaking tulong sa aming kabuhayan, kikita kami. Mas makikilala ang ganitong mga lugar,” wika na Melrose Mabala, nagtitinda ng mga souvenir.

Target ng DOT ang 7.7 milyong tourist arrival para sa taong 2024.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter