MULING nanumpa bilang alkalde ng munisipalidad ng Pateros si Mayor Miguel “Ike” Ponce.
Naging makulay ang mga ginawang programa at inagurasyon sa mga nahalal na opisyal sa Pateros.
Kasama ni Mayor Ike Ponce na nanumpa sa kanyang tungkulin ang maybahay nito at anak.
Ang nasabing panunumpa ay ginawa alas-5 ng hapon kahapon sa Villa Monica, Pateros.
Bukod kay Ponce nanumpa rin sa kani-kanilang tungkulin ang mga nanalong opisyal ng munisipalidad.
Ito na ang ika-tatlo o huling termino sa panunungkulan ni Mayor Ponce bilang alkalde.
Matatandaan sa huling kandidatura ni Ponce ay walang nais kumalaban sa kanya sa pagka-alkalde ng Pateros.
Una na rin sinabi ni Ponce pagkatapos ng kanyang tatlong termino bilang alkalde sa munisipalidad ay magpapahinga na lamang ito at babalik sa pribadong buhay kasama ang pamilya.
Wala rin aniya siyang balak ipasok sa larangan ng pulitika ang kanyang mga anak at aniya may mga magagandang trabaho naman ang mga ito.