Presyo ng LPG, bumaba ngayong unang araw ng Hulyo

Presyo ng LPG, bumaba ngayong unang araw ng Hulyo

BUMABA ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong unang araw ng Hulyo.

Sa anunsiyo ng Petron, bababa ng P.40 ang kada kilo ng LPG habang P0.22 naman ang kada litro ng Auto LPG.

Habang ang Solane ay magbaba rin ng P0.36 sa kada kilo ng kanilang LPG.

Epektibo ang pagbaba ng presyo simula ngayong alas-6 ng umaga.

Ito ay dahil sa galaw ng presyo sa pandaigdigang merkado ngayong buwan ng Hulyo.

Aasahan namang mag-aanunsiyo ng price rollback ang iba pang nagtitinda ng LPG sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter