HINDI nagustuhan ni Mayor Pao Evangelista ng Kidapawan City ang ginawa ng kasalukuyang administrasyon na pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kamay ng mga dayuhan.
Binigyang-diin ng alkalde na sa loob ng maraming siglo, nagbuwis ng buhay ang ating mga ninuno upang ipagtanggol ang ating bayan laban sa panghihimasok ng mga dayuhan.
Ngunit aniya, ngayon ay isinuko lang ang pinakamamahal na dating Pangulo ng Pilipinas sa mga dayuhan.
“For centuries, our forefathers died for our country to repel foreign interference. And just like that, they give up the most loved President to foreigners to answer for “crimes” defined by the same foreigners? Wa ko kasabot. I stand for PH sovereignty. I stand with FPRRD,” pahayag ni Pao Evangelista, Mayor, Kidapawan City.
Kasalukuyang nasa biyahe ang dating Pangulo papuntang The Hague, Netherlands, upang harapin umano ang mga kaso na ipinataw laban sa kaniya sa International Criminal Court (ICC).