NAGSAGAWA ng isang charity event ang Caviteños UK Association para sa gaganapin nilang medical mission sa Pilipinas.
“Back to the 80’s” ang napiling tema ng Caviteños UK Association sa ginanap nilang charity event sa St. Augustine Hall, United Kingdom.
Layunin nitong suportahan ang isang medical mission na isasagawa nila sa Pilipinas.
Sa tulong ng bawat miyembro ng nasabing organisasyon at ng mga sumuporta sa naturang okasyon, naging matagumpay naman ang pagkalap ng donasyon para sa kanilang nalalapit na medical mission.
Dumalo rin sa charity event ang chargé D’affaires ng PH Embassy sa UK na si Ms. Rhenita Rodriguez.
Kaugnay nito masaya namang nagpasalamat ang presidente at organiser ng charity event na si Arlene Oxida sa pagpapaunlak ng mga dumalo at nakiisa sa layunin ng nasabing okasyon.
Ngayong taon ang unang beses, matapos ang apat na taong hindi sila nakapag medical mission dahil na rin sa pandemya.
Naitatag ang asosasyon noong 2012 at simula noon, meron na silang mga benepisyaryong scholars, elderlies at marami pang iba sa Pilipinas.
Ang kanilang medical mission ay gaganapin sa buwan ng Pebrero ika-8 at ika-9 sa bayan ng Bacoor at ika-15 naman sa bayan ng Kawit, Cavite.