UAE, pumirma ng international agreements sa WEF

UAE, pumirma ng international agreements sa WEF

PUMIRMA ang United Arab Emirates (UAE) ng maraming pakikipag-ugnayan at kasunduan sa World Economic Forum (WEF) sa ikalawang araw ng nasabing global event.

Ang mga kasunduang ito ay inihayag sa pagpupulong sa pagitan ni Mohammad Bin Abdullah Al Gergawi, Minister of Cabinet Affairs ng UAE, at Prof. Klaus Schwab, founder ng WEF sa sidelines ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Sa pagpupulong ay naroon sina Dr. Thani Bin Ahmed Al Zeyoudi, ministro para sa pandaigdigang kalakalan; Mohamed Ali Al Shorafa Al Hammadi, Chairman ng Abu Dhabi Department of Economic Development; Majid Al Suwaidi, Director General ng COP28; Abdulla Nasser Lootah, Director General ng opisina ng Punong Ministro at Mona Ghanem Al Marri, Vice-president ng UAE Gender Balance Council.

Nilinaw ni Mohammad Al Gergawi ang layunin ng UAE na makiisa bilang isang makakatiwalaang partner at isang global hub para sa international travel.

Nagpasalamat naman si Prof. Schwab sa UAE dahil matagal nang nakikiisa ang bansa sa World Economic Forum.

Follow SMNI NEWS in Twitter