Medical waste, mababawasan kasabay ng optional na pagsusuot ng face mask – DENR

Medical waste, mababawasan kasabay ng optional na pagsusuot ng face mask – DENR

KUMPYANSA ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bababa ang naiipong medical waste sa bansa partikular na ang face masks.

Kasunod ng pag-arupa ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na hindi na mandatory ang pagsusuot nito.

Bahagi na ng araw-araw na gawain ng mga Pilipino o sinumang indibidwal ang pagsusuot ng face mask.

Ito ay ginagamit bilang proteksyon sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19 virus sa ating kalusugan.

At ngayong boluntaryo na lang ang pagsusuot nito sa mga pampublikong lugar partikular na ang walang gaanong tao, ay pupuwede ka ng hindi magsuot ng face mask.

Sa naging pag-aaral ng Asian Development Bank, ang Pilipinas partikular na ang Metro Manila ay may pinakamaraming naiipong face mask kada araw.

Kung saan, pumalo sa 280 tons ng medical waste ang nakukuha mula sa NCR.

Pumapangalawa naman ang bansang Jakarta na nasa 212 tons, Bangkok na nasa 210 tons, 160 tons sa bansang Ha Noi at 154 tons naman sa Kuala Lumpur.

Kaugnay nito, kumpiyansa naman si Environmental Management Bureau OIC-Director William Cuñado na mababawasan ang medical waste sa bansa kasabay ng optional na paggamit na lang ng face mask.

Dagdag pa ni Cuñado, upang mabawasan din ang nakokolektang face mask kada araw, gumamit na lang ng cloth mask o washable mask.

Samantala, sinabi naman ni Cuñado wala na silang natatanggap na report mula sa mga ospital na hindi tumatalima sa tamang pagtatapon ng face mask.

Follow SMNI NEWS in Twitter