Mega PPV sa Klang Valley, magbubukas muli simula Enero 15

Mega PPV sa Klang Valley, magbubukas muli simula Enero 15

MAGBUBUKAS muli ang mga Mega PPV sa Klang Valley sa Malaysia upang dagdagan ang pangangasiwa ng booster shot.

Inihayag ni Health minister Khairy Jamaluddin na ang apat na mega COVID-19 vaccination centers sa Klang Valley ay bubuksang muli simula Enero 15 upang magamit sa booster vaccination.

Ang mga Mega PPV na muling magbubukas ay ang World Trade Center sa  Kuala Lumpur, Axiata Arena sa Bukit Jalil, Ideal Convention Center sa Shah Alam at ang Soka Gakkai sa Klang.

Ito ay upang madagdagan ang kapasidad ng pamamahagi ng mga booster shot sa Klang Valley.

Ayon kay Jamaluddin, lahat ng booster appointment ay ibibigay sa pamamagitan ng mysejahtera App o SMS.

Gayunpaman, ang mga indibidwal na gustong makakuha ng kanilang mga booster shot nang madalian ngunit hindi pa nakakatanggap ng appointment sa mysejahtera ay maaaring makipag-ugnayan sa mga general practitioner na PPV na nakalista sa website ng Protecthealth upang magparehistro .

SMNI NEWS