NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11598 o ‘Cash Assistance for Filipino Farmers Act’ na magbibigay ng taunang tulong pinansyal sa mga maliliit na magsasakang Pilipino hanggang 2024.
Ang paglagda sa batas na ito ay pagkilala sa mithiin ng administrasyong Duterte na matiyak ang kapakanan ng mga maliliit na magsasaka sa bansa.
Sa ilalim ng nasabing Act, ang Department of Agriculture – Philippines ay inaatasan na gamitin ang pera mula sa annual tariff revenues na lampas sa Php 10-B sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para direktang mabigyan ng cash assistance ang mga maliliit na magsasaka hanggang 2024.