Mensahe ni VP Sara Duterte para sa Eid al-Adha

Mensahe ni VP Sara Duterte para sa Eid al-Adha

TAOS-pusong pagbati ng Eid Mubarak sa mga kapatid nating Moro!

Sa araw na ito, alalahanin natin ang kahulugan ng sakripisyo, pasasalamat, at kababaang-loob na nararapat nating isabuhay.

Mahalaga na mapalaganap natin ang diwa ng Eid al-Adha ngayong marami sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng ating kabutihang loob, kawang-gawa, at malasakit.

Ang aming pakikiisa sa pagdiriwang na ito ay tanda ng ating ugnayan bilang isang bansa na mas pinatibay ng ating paggalang, pagtanggap, at pagmamahal sa isa’t isa sa kabila ng magkaibang salita, relihiyon o paniniwala.

Gamitin natin ang pagkakataong ito para ipagdasal na ang Pilipinas ay laging maging matatag, mapayapa, at ligtas sa mga kalamidad at trahedya.

Muli, Eid Mubarak sa inyong lahat!

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble