ISINAGAWA ang Mental Health Awareness Month Competition on Essay Writing, On-the-Spot Poster Making, School-Based Mural Painting, at Infomercial Video Making Contest ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa noong Nobyembre 8, 2022 sa Museo ng Muntinlupa City.
Layunin ng LGU na palakasin ang kampanya ng pamahalaan sa kaalaman at kahalagahan ng pangangalaga sa mental health.
Matatandaan isa ang lungsod ng Muntinlupa sa mga local government unit (LGU) na unang nagtatag ng Community-Based Mental Health and Wellness Program.