Mga bagong kaganapan sa kampanya ng mga senatorial candidate

Mga bagong kaganapan sa kampanya ng mga senatorial candidate

MALAPIT na ang 2025 midterm elections, kaya’t puspusan na ang pangangampanya ng mga kandidato sa pagkasenador.

Sa pinakahuling update, ilang senatorial aspirants ang nagtungo sa iba’t ibang lugar upang makipagkita sa mga botante at lokal na opisyal.

Pebrero 20, nakasama ni Sen. Bong Go ang mga lokal na lider sa Pampanga sa pagdiriwang ng kaarawan ni Vice Governor Lilia Pineda.

Samantala, nagtungo si Gringo Honasan sa Naga City para mangampanya at hingin ang suporta ng mga Bicolano. Doon, nakipagkita rin ito kay dating Bise Presidente Leni Robredo.

Sa Pili, Camarines Sur, lumahok si Atty. Luke Espiritu sa isang youth assembly kasama si Mayor Tom Bongalonta Jr.

Samantala, nagsagawa naman ng campaign rally ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Dumaguete.

Nag-post naman si Senadora Pia Cayetano tungkol sa kaniyang pag-iikot bago magsimula ang kanilang rally.

Sa Negros Occidental, bumisita si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa ilang bayan, kabilang ang Canlaon.

Pinuntahan niya ang opisina ni Canlaon Mayor Jose Chubasco Cardenas at nagtungo rin sa La Castellana upang kamustahin ang mga naapektuhan ng pagsabog ng Mt. Kanlaon noong Disyembre 2024.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble