SABADO at Linggo pa lang, inaasahan na ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga port terminal ng Cebu Port Authority (CPA) dito na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya sa Visayas at Mindanao para sa bumoto sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ikinasa na rin ang 10-araw na Oplan Biyaheng Ayos ng CPA na nagsimula Oktubre 27, 2023 hanggang Nobyembre 5, 2023 para masiguro na ligtas ang mga pasahero ng naturang pantalan.
Ayon kay Cebu Port Authority General Manager Francisco Comendador III, nakikipag-ugnayan na ito sa Cebu maritime sector at mga enforcement agencies nito para sa okasyon ngayong araw hanggang Undas.
“As early as the start of October, we have already coordinated with our partners from Cebu’s maritime sector and enforcement agencies in preparation for the expected surge of passengers ahead of the Barangay and SK Elections and Undas 2023,” ani CPA General Manager Francisco C. Comendador III.
Inaasahan nito na lalagpas sa kalahating milyong mga pasahero ang babayahe hanggang sa Undas.
Mahigpit ding ipinapatupad ng ahensiya ang ‘no boat ticket, no id, no entry policy’.
Nagtalaga naman ng Malasakit Help Desk at first aid stations para mag-assist sa mga pasahero at pag-deploy ng mga K9 units at bomb sniffing dogs laban sa gusto magsamantala sa sitwasyon.
Samantala, naka-full alert status naman ang probinsiya ng Cebu sa BSKE at Undas kung saan ang Police Regional Office 7 at ang apat na probinsiya ng Central Visayas at nag-deploy ng 12,000 mga kapulisan sa iba’t ibang area of responsibility.