Mga brgy health worker, nutrition scholar, dapat may permanenteng posisyon—DILG Chief

Mga brgy health worker, nutrition scholar, dapat may permanenteng posisyon—DILG Chief

DAPAT mabigyan ng permanenteng posisyon ang mga barangay health worker at nutrition scholar.

Ito ay upang matiyak ang pagpapatuloy ng mahahalagang serbisyo na kanilang ibinibigay sa kanilang mga komunidad.

Ito ang muling panawagan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. para sa regularisasyon ng kahit isang health worker at nutrition scholar sa bawat barangay.

Ang pahayag ay inilabas ng DILG Chief sa pre-awarding press conference para sa 2023 National Nutrition Awarding Ceremony Panel, Azucena M. Dayanghirang sa Manila Hotel.

Sa ilalim ng kasalukuyang set-up, ang mga barangay health worker at nutrition scholar ay katuwang sa mga opisyal ng barangay na kumuha sa kanila.

Napipilitan silang magbitiw pagkaraan ng tatlong taon, sa sandaling maupo sa kanilang mga puwesto ang bagong hanay ng mga opisyal, na nakakaabala at lubhang nakakaapekto sa patuloy na mga programa at proyekto ng komunidad sa kalusugan at nutrisyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble