Mga dayuhan na papasok sa Malaysia maaari nang gumamit ng autogate facilities sa KLIA

Mga dayuhan na papasok sa Malaysia maaari nang gumamit ng autogate facilities sa KLIA

MAAARI nang gumamit ng autogate ang mga dayuhan na papasok dito sa Malaysia upang maiwasan ang pagsisikip sa Kuala Lumpur International Airport (KLIA) at mapabilis ang clearance sa mga immigration counter.

Sa infographic na inilabas ng Immigration Department nitong Huwebes, ang mga bansa na maaaring gumamit ng autogate facilities ay ang Australia, Brunei, Germany, Japan, Korea, New Zealand, Saudi Arabia, United States, United Kingdom at Singapore.

Ang mga manlalakbay na papasok sa bansa ay kinakailangang valid ang mga pasaporte sa loob ng 6 na buwan.

Kinakailangan ding magsumite ng Malaysia Digital Arrival Card (MDAC) 3 araw bago ang arrival ng mga ito sa Malaysia.

Ang mga maaaring mag-aplay sa MDAC ay mga Singapore passport holders, at Malaysia long term pass holders.

Ito ang tugon sa pagkabahala ng gobyerno sa pagsisikip sa mga entry point sa bansa.

Matatandaan na ang paggamit ng autogate ay para sa mga Malaysian lamang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter