MAAARI na ngayon maging vaccinator laban sa COVID-19 ang mga dentista.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nakipag-ugnayan na ang ahensya sa Professional Regulation Commission at sa Philippine Dental Association.
Ani Cabotaje, pwede nang isama ang mga dentista bilang vaccinator basta may kaunting training.
Kailangan din aniyang makipag-ugnayan ang mga dentista sa Local Government Units (LGUs) at dapat may supervisor sila na medical doctor.
Samantala, sinabi ng health official na nagpadala na ang DOH ng pondo sa iba’t ibang rehiyon para sa serbisyo ng mga kinuha sa vaccination program.
Malapit nang ma-expire na COVID-19 vaccine, nai-deploy na ayon sa DOH
Nai-deploy na ng Department of Health (DOH) ang lahat ng malapit nang ma-expire na Moderna vaccines na binili ng pribadong sektor.
Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, ang mga bakuna na nakatakdang ma-expire sa Nobyembre a-trenta ay binili ng mga pribadong kumpanya na ang mga empleyado ay nabakunahan na ng pamahalaan.
Ani Cabotaje, binigay nila ito sa mga lugar na maganda ang performance at may cold chain capacity.
Una nang sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinautang ang mga bakuna ng private sector para maiwasan ang pagkasayang.