PUMALO na sa mahigit 57.49 milyong doses ng mga bakuna kontra COVID-19 ang naiturok sa buong bansa.
Batay ito sa ulat ni Department of Health sa kapihan forum.
Sa nasabing bilang, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na mahigit 31 milyong Filipino na ang nakatanggap ng kanilang unang doses.
Habang higit 26.47 indibidwal naman ang fully vaccinated na kontra COVID-19.
Samantala, pumalo na sa 23,727 ang bilang ng mga batang edad 12 hanggang 17 na may comorbidity ang nabakunahan laban sa COVID-19.
Ayon sa DOH, sa nasabing age group, nasa 12.72 milyong indibidwal ang target mabakunahan ng pamahalaan.
Habang tinatayang 80 percent ang matatapos sa Disyembre o katapusan ng taong 2021.
