MAKATATANGGAP ng P10K bilang Ramadan bonus ang libu-libong Muslim at Kristiyanong empleyado sa ilalim ng Bangsamoro government.
Kasama rin sa makatatanggap ng naturang bonus ang mga contractual at job order personnel.
Nilagdaan na ang executive order para rito, ayon kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Abdulraof Abdul Macacua.
Nagpasalamat naman ang mga empleyado, lalo na ang mga Muslim, dahil may karagdagang magagamit sila para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.