Mga eroplano ng Korean Air at Cathay Pacific Airways, bahagyang nagkabanggaan sa isang paliparan sa Hokkaido

Mga eroplano ng Korean Air at Cathay Pacific Airways, bahagyang nagkabanggaan sa isang paliparan sa Hokkaido

NAHAGIP ng Korean Air Jet ang Cathay Pacific Airways plane sa isang paliparan sa Hokkaido sa hilagang bahagi ng Japan noong Martes.

Ang insidente ay nangyari sa New Chitose Airport nang ang Koreai Air Airbus A330 na may dalang dalawandaan at walumput siyam na crew at pasahero na patungo sa Seoul ang nagsimulang gumalaw mula sa Tarmac para sa takeoff.

Katabi naman nito ang Cathay Pacific plane Boeing 777 na patungo naman sa Hong Kong na walang anumang sakay na pasahero.

Ang dulo ng kaliwang pakpak ng Korean Air at buntot na bahagi ng Cathay Pacific ay napinsala sa pangyayari.

Ayon sa Korean Air, ang ‘contact’ ng dalawang eroplano ay nangyari sa ‘pushback’ nito kung saan ito ay patungo sa taxiway para sa departure nito.

Dagdag pa nito, malakas rin ang pagbagsak ng niyebe nang panahong iyon kaya naging madulas para sa aircraft na naging sanhi ng insidente.

Ang pushback ay isinagawa ng J-A-L Ground Service Co., subsidiary ng Japan Airlines Co.

Ang mga pasahero ng Korean Air flight ay kinakailangan namang manatili sa eroplano ng higit apat na oras matapos na mangyari ang insidente.

Follow SMNI NEWS on Twitter