Mga estudyanteng nakapag-enroll na para sa SY 2021-2022, umabot na sa 10.2 milyon

Mga estudyanteng nakapag-enroll na para sa SY 2021-2022, umabot na sa 10.2 milyon

UMABOT na sa mahigit 10 milyong estudyante ang nakapag-enroll para sa School Year 2021-2022.

Base sa datos ng Department of Education (DepEd) hanggang kaninang alas 2 ng madaling araw, nasa 10.25 milyong estudyante na ang nakapag-enroll sa basic education sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, higit 4.55 milyon dito ay maagang nagparehistro noong Hunyo 2.

Mahigit 5.37 milyon naman ang enrollees sa pampublikong paaralan; 313,958 sa pribadong paaralan habang 6,518 naman sa SUCS/LUCS.

Ayon sa DepEd, aabot na rin sa 52,425 ang mga nagpatala para sa alternative learning system sa susunod na pasukan.

Nagsimula ang enrollment noong August 16 at magpapatuloy hanggang sa pagbubukas ng klase sa September 13, 2021.

 

SMNI NEWS