Mga health expert, pinag-iingat ang publiko sa banta ng head and neck cancers

Mga health expert, pinag-iingat ang publiko sa banta ng head and neck cancers

NAGBABALA ang mga health expert sa mga mahilig magyosi, uminom ng alak, at gumamit ng nganga dahil maari umano itong maging sanhi ng kanser sa bibig, ulo, at leeg.

Maliban sa lung cancer, ang taong mahihilig manigarilyo ay maari ding dapuan ng oral cancer. Ang mga taong mahilig manigarilyo ay puwede ring magkaroon ng head and neck cancer.

Nitong buwan ng Abril ay ginunita ang Head and Neck Awareness Month.

Ayon kay Philippine Society of Medical Oncology President Dr. Josephine Contreras-Tolentino, ang head and neck cancer ay mga tumubong cancer cells sa ilong, bibig, dila, ngala-ngala, salivary glands, lalamunan, at pababa sa voice box.

Ayon sa health expert, dumarami na ang nagkakaroon ng head and neck cancer kung saan pagdating sa taong 2030 ay inaasahang tataas sa 30 percent ang kaso nito.

Unang maaaring magkaroon nito ay ang mga taong mahilig manigarilyo.

Dapat din nilang malaman na maliban sa lung cancer, ay naroon ang panganib ng oral cancer.

Pati ang mga e-cigarette user, nanganganib ding magkaroon ng head and neck cancer. Ang alak, maliban sa head and neck cancer ay maaari ding maging sanhi ng breast at pancreatic cancer ayon sa health expert.

Dapat din umano magdahan-dahan sa pag-nguya ng betel chewing quid o nganga, dahil maaari ding mabiktima ng head and neck cancer.

Madalas na gumagamit ng nganga ay mga kababayan natin na nasa northern part ng bansa.

Kung isa ka sa mga gumagamit ng nganga, naninigarilyo at umiinom, ayon sa doktor ay agad na magpa-checkup para maagapan ang kanser.

Samantala, ilan pa sa mga nagpapataaas ng tsansa ng head and neck cancer ay ang pagbilad sa araw, hindi angkop na paglilinis ng bibig, katandaan, pagkain ng junk food at mga pagkain na may preservatives, genetics at iba pa.

Ayon sa doktor, ang pag-eehersisyo, masustansiyang pagkain, paggamit ng sunscreen at regular na pagpapakonsulta ang kailangan para makaiwas sa kanser.

Mahalaga rin umano ang regular na pagsisipilyo para hindi magkaroon ng head and neck cancer.

Kapag may nararanasang sintomas ay kailangan ang agarang pagpapatingin sa doktor.

Ilan naman sa mga sintomas ng head and neck cancer ay ang pamamaos, nakakapang bukol o kulani sa leeg, masakit na lalamunan, hirap o masakit na paglunok.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble