ANG mga pag-papaospital na nauugnay sa COVID-19 ay pinaniniwalaang tataas muli sa Amerika sa kabila ng patuloy na kumakalat na mga Subvariant ng Omicron na mas nakakahawa, ayon yan sa Centers for Disease Control and Prevention.
Tumataas ang mga antas ng ospitalisasyon dito sa US. Sa ngayon, may apatnapung libong mga Amerikano na positibo sa virus ang nasa ospital – doble sa naitalang bilang sa panahon ng tag-init noong nakaraang taon.
Ayon sa forecasting models na ginamit ng Centers for Disease Control and Prevention, halos 40 estado at teritoryo ang kasalukuyang inaasahang makakakita ng mga pagtaas sa mga bagong pagpapa-ospital sa susunod na dalawang linggo.
Ngunit ang mga estado sa katimugang bahagi ng bansa, kabilang ang Arkansas, Louisiana, Mississippi at Texas, ay inaasahang makakita ng pinakamalaking pagtaas sa mga ospitalisasyon.
Si Dr. Anthony Fauci, ang senior adviser ng presidente sa pandemya kasama ang iba pang pederal na opisyal ng kalusugan ay nagtaas ng alarma tungkol sa omicron subvariant na BA.5, na sinasabing nagdudulot ng muling pagkalat ng mga impeksyon.
Tinatayang aabot sa 3,200 hanggang 13,800 araw-araw na kumpirmadong COVID-19 ang isusugod sa ospital hangang Agosto a-cinco sa buong bansa. Sa linggong ito, ang U.S. ay nag-uulat ng halos 5,800 na mga admission sa ospital na nauugnay sa virus bawat araw, ayon sa CDC.
Ang Estados Unidos ay kasalukuyang nag-uulat ng higit sa 118,000 na mga bagong kaso sa isang araw, ang pinakamataas na average na pang-araw-araw na impeksyon sa bansa mula noong kalagitnaan ng Pebrero.