CAVITE, Philippines – March 5, 2025 – Ikinagalak ng mga Kabiteño ang isinagawang townhall meeting kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy. Nagbigay ito ng pagkakataon sa mga residente ng Cavite na mas makilala ang kanyang pagkatao at mga plataporma sa kanyang pagtakbo sa Senado.
Sa patuloy na pagdaraos ng mga townhall meetings sa iba’t ibang barangay sa buong Pilipinas, mas maraming mamamayan ang nabibigyan ng pagkakataong kilalanin nang mas malalim si Pastor Quiboloy. Dalawang matagumpay na pagtitipon nga ang isinagawa sa Cavite—isa sa Barangay Severino Delas Alas Covered Court at isa pa sa Barangay Anahaw 2, Bagong Silang. Umabot nga ng halos isang libong residente ang dumalo at nagbigay ng kanilang suporta sa butihing pastor.
Ayon kay Clarimar Ambus, isang VAWC Officer ng Barangay Anahaw, mahalaga ang ganitong mga pagtitipon upang linawin ang mga maling impormasyon tungkol sa isang kandidato. Aniya, “Hindi ko lubos nakilala si Pastor Quiboloy kung hindi kayo pumunta dito upang ipaliwanag. Ang pagkakilala namin sa kanya ay kabaliktaran ng unang sinasabi nila. Siya pala talaga ang kailangan nating iluklok sa Senado upang maitaguyod ang ating bansa.”
Ganito rin ang pananaw ni Maria Guia Gamay, Konsehal ng Barangay Anahaw. Aniya, “Napakaimportante po talaga ng nagpapakilala, kasi sa balita po iba. Pero mula nang makilala na namin siya, mas maganda po na isa siya sa mga maupo sa Senado, lalong-lalo na sa mga hindi pinakikinggan pagdating sa hustisya.”
Samantala, binigyang-diin ni Hon. Julito Abellanosa, Punong Barangay ng Severino Delas Alas, ang kahalagahan ng patas na pangangampanya. “Importante po talaga ito dahil nailalabas ng mga kandidato ang kanilang karapatan na ipakilala ang sarili at ipahayag ang kanilang plataporma. Hindi tayo dapat magpadikta sa kung sino ang dapat nating iboto. Dapat tayong makinig at mag-isip para sa kapakanan ng buong Pilipinas at ng ating mga kababayan,” ani Abellanosa.
Gayundin, ipinahayag ni Vice Mayor Percival Cabuhat ng General Mariano Alvarez (GMA), Cavite, ang kanyang pasasalamat sa isinagawang campaign rally ni Pastor Quiboloy. “Mahalaga na malaman ng taumbayan kung ano ang mga plano at programang makakabuti sa ating bansa. Mas gusto ko na ang mga kandidatong may hangaring maglingkod ay nabibigyan ng pagkakataong ipakilala ang kanilang sarili. Sa ganitong paraan, malalaman natin kung paano sila maaaring makatulong sa ating bayan.”
Sa pamamagitan ng patuloy na townhall meetings at direktang pakikipag-usap sa publiko, patuloy na ipinakikilala ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang kanyang mga layunin para sa bayan. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng patas at bukas na pangangampanya upang mabigyan ng tamang impormasyon ang mga botante sa darating na halalan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa plataporma at mga panukala ni Pastor Apollo C. Quiboloy, bisitahin ang apolloquiboloynationbuilder.com
Media Contact:
Hannah Jane Sancho
Media Relations [email protected]
+639-177-141-820