Mga kandidata ng Miss Sultan Kudarat 2023, sinukat kung papaano maalis ang maling pananaw sa Mindanao

Mga kandidata ng Miss Sultan Kudarat 2023, sinukat kung papaano maalis ang maling pananaw sa Mindanao

MAY bago nang reyna ang Sultan Kudarat ngayong taon matapos ang Grand Coronation Night Martes ng gabi, Nobyembre 21 para sa Miss Sultan Kudarat 2023.

24 na mga kandidata mula sa iba’t ibang local government units and partner offices ang tampok sa prestihiyosong event.

At sa final 5 ng pageant, isang mahalagang tanong ang isa-isa nilang sinagot.

Tanong na maaring humubog sa pananaw hindi lang ng mga taga probinsiya:

“As the Golden Queen of Sultan Kudarat 2023, how do you plan to erase the misconception that Mindanao, especially Sultan Kudarat is chaotic and unsafe? Showcasing its beauty that conquers and allowing it to shine brightly to the Philippines and beyond.”

Lahat ng top 5 candidates ang nagkaisa sa sagot na gagamitin ang korona para ipakita sa buong Pilipinas at mundo na ligtas ang Mindanao lalo na ang Sultan Kudarat.

At paggiit na ang probinsiya ay simbolo ng kapayapaan at kaunlaran.

Nangibabaw sa lahat ang sagot ni Miss Sultan Kudarat 2023 Abigael Love Umereweneza ng bayan ng Sen. Ninoy Aquino.

“I would emphasize the real meaning of our tagline and that is SK Sikat ka. It is not about popularity, it’s an acronym that says Sultan Kudarat is a symbol of peace and progress,” ayon kay Abigael Love Umereweneza, Miss Sultan Kudarat 2023

Ayon din sa reigning SK Queen, expected niya na ang tanong dahil ito rin aniya ang gusto niyang linawin oras na makuha ang korona.

“I find it something expected because that question is really one of the stigmas that our province experiences. And that’s a great opportunity to really clarify to everyone that our province is not chaotic, I think it’s actually peaceful and it’s like one big family,” ayon kay Abigael Love Umereweneza, Miss Sultan Kudarat 2023.

Sinabi naman ni Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Sangki Mangudadatu na ligtas ang probinsiya nila sa anumang gulo.

Anya, Rido, terrorism at insurgency free na ang Sultan Kudarat.

Bunga ito ng pagtutulungan ng mga Sultan Kudaratenyo tungo para sa pangmatagalang kapayapaan.

“That’s right, there’s a lot of misconceptions and myths about it. This is one of the venues where we can show na malayo po ang mga ibang sinasabi. Katunayan, the Province of Sultan Kudarat just like any other province in Mindanao it has a lot of things to offer in tourism, in culture, and in many more things. At dito po sa Sultan Kudarat, at kung makikita po ninyo ang question na ating ibinigay sa ating mga kandidata ito po ay umiikot kung paano nila gagamitin ang venue na ito na ipagmalaki kung anuman ang meron sa Sultan Kudarat at kung anuman ang meron sa Mindanao na pwede nating ipagmalaki ay ito po ay treasure ng ating bansa,” pahayag ni Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu, Province of Sultan Kudarat.

Nauna nang sinabi ng PNP at AFP na mapayapa ang buong probinsiya ng Sultan Kudarat.

Limpak-limpak na papremyo naman ang natanggap ng mga winner sa Miss Sultan Kudarat 2023.

Follow SMNI NEWS on Twitter