Mga kandidato sa Senado patuloy sa pangangampanya para sa Halalan 2025

Mga kandidato sa Senado patuloy sa pangangampanya para sa Halalan 2025

TULOY-tuloy ang pangangampanya ng mga tumatakbong senador habang papalapit nang papalapit ang Halalan 2025.

49 na araw na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo 12, kaya’t mas pinaiigting ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya. Walang tigil ang kanilang pag-iikot—mula sa malalayong baryo hanggang sa mataong lungsod, sinisikap nilang maabot ang bawat Pilipino upang iparating ang kanilang mga plataporma at adhikain.

Sa bawat kaway, pakikipagkamay, at pagharap sa taumbayan, hangad nilang makuha ang tiwala at suporta ng publiko. Lahat ng estratehiya, ginagamit, mula sa matinding door-to-door campaigns hanggang sa malalaking rally, upang tiyakin na sila ang pipiliin sa darating na halalan.

Sa Quezon City sumalang sa pandesal forum si Atty. Raul Lambino.

Dumalo naman sa flag raising ceremony sa Parañaque City si Kiko Pangilinan.

Nakasama naman ni Ariel Querubin ang mga empleyado ng Dasmariñas City Hall sa Cavite.

Habang nasa Bacoor naman si Camille Villar.

Sa Pangasinan nag-ikot si Sen. Francis Tolentino kung saan nakipagkita rin ito sa ilang lokal na opisyal sa naturang probinsiya.

Sa Muntinlupa City naman nangampanya si Rodante Marcoleta nitong Linggo.

Sa naturang lungsod rin nagsagawa ng motorcade si Jimmy Bondoc.

Nakadaupang-palad naman ni Sen. Bong Revilla ang mga taga-Pasig City.

Panauhin naman si Sen. Bong Go sa isinagawang pagtitipon ng Liga ng mga Barangay-Pampanga Chapter.

Sa Meycauayan, Bulacan naman nangampanya si Eric Martinez.

Bumisita naman si Allen Capuyan sa Pili, Camarines Sur.

Habang nag-ikot sa Romblon si Bonifacio Bosita nitong weekend.

Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.

Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble