Mga kapatid na Muslim, binati ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr, kasabay ng Eid’l Adha

Mga kapatid na Muslim, binati ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr, kasabay ng Eid’l Adha

NAGPAABOT ng kaniyang pagbati si Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. sa mga kapatid na Muslim ngayong ipinagdiriwang ng mga ito ang Feast of Sacrifice (Eid’l Adha)

Ayon sa Kalihim na ang naturang okasyon ay isang panawagan ng pagtitiwala kay Allah sa kaniyang karunungan at plano.

Dalangin din ng Kalihim para sa Pilipinas ang kapayapaan at pagkakaisa ng lahat ng komunidad bilang isang bansa.

Hangad ni Teodoro para sa mga kapatid na Muslim na tanggapin nawa ni Allah ang kanilang Hajj o ang pagtungo sa banal na lungsod ng Meccah na siyang sentro ng kanilang pananampalataya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble