NAGHANDOG ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ng libreng sakay para sa mga kawani ng gobyerno bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary.
Simula ito ng umaga ng Lunes, Setyembre 18 at magtatagal hanggang sa Setyembre 20.
Maaaring makasakay ang mga government employees ng peak hours mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga, at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.
Kinakailangan lamang magpakita ng valid government ID upang makatanggap ng libreng sakay.
Ang layunin ng libreng sakay ay bilang pasasalamat sa naging sakripisyo ng bawat kawani ng gobyerno upang magampanan nang tapat at maayos ang kanilang mga tungkulin.