Mga kongresista talo sa 70 panukalang batas na isusulong ni Pastor Quiboloy—Boss Dada

Mga kongresista talo sa 70 panukalang batas na isusulong ni Pastor Quiboloy—Boss Dada

TALO na ng senatorial candidate na si Pastor Apollo C. Quiboloy ang mga kongresista pagdating sa mga panukalang batas na kanyang isusulong sakaling mahalal sa Senado.

Ayon kay vlogger at SMNI anchor Boss Dada, malinaw at detalyado ang mga plano ni Pastor Quiboloy para sa bansa, at naniniwala siyang may kakayahan itong maisakatuparan ang kaniyang mga adhikain sakaling mahalal bilang senador.

Kabilang sa mga pangunahing panukala ni Quiboloy ang paggawa ng mga hakbang upang gawing “First World Country” ang Pilipinas, pagpapatupad ng zero corruption policy sa gobyerno, pagpapalakas ng sektor ng turismo, at pagtutok sa anti-criminality at anti-drug campaigns.

Bukod rito, kaniyang isinusulong din ang pagkakaroon ng isang national superhighway system at mga konkretong solusyon upang tugunan ang kahirapan sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble