Mga LGU na hindi maayos ang storage facility binalaan ni vaccine czar Galvez na papatawan ng parusa

Mga LGU na hindi maayos ang storage facility binalaan ni vaccine czar Galvez na papatawan ng parusa

BINALAAN ng gobyerno na papatawan ng parusa ang mga local government unit LGU na hindi maayos ang storage facility ng bakuna kontra COVID-19.

Kasunod ito sa insidente ng isang vaccination site sa muntinlupa na sinuspende dahil sa isyu ng storage facility.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr, binalaan ng gobyerno na papatawan ng parusa ang mga LGU ng parusa ang hindi maayos na pangangasiwa ng bakuna.

Iginiit ni Galvez na responsibilidad ng mga LGU na magkaroon ng wastong storage facility upang hindi masayang ang bakuna.

Una nang sinunspende ng Muntinlupa ang pagbabakuna sa Festival Mall dahil sa isyu ng storage facility na maaaring makaapekto sa effectivity ng bakuna.

Unang batch ng 1.6-M doses ng Johnson & Johnson COVID-19 vaccine, dumating na sa bansa

Samantala, dumating na sa bansa sa kauna-unahang pagkakataon ang aabot sa 1.6-M doses ng Johnson & Johnson COVID-19 vaccine na ibinigay ng United States sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Dumating ang Johnson & Johnson vaccine sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 dakong alas 4:30 ng hapon.

Ito ay bahagi ng 3.2 million doses ng single-shot Johnson & Johnson vaccine na binigay ng Amerika sa pamamagitan ng COVAX Facility na ilalaan ng bansa para sa A2 at A3 priority group.

Inaasahan naman dumating ang iba pang bakuna para makumpleto ang 3.2-M doses ngayong sabado.

Kaugnay nito, nagtungo sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. sa NAIA Terminal 3 para pangunahan ang pagsalubong ng mga bakuna.

Sa ibang balita, nadagdagan pa ng 5,676 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Dahil dito, pumalo na sa 1,496,328 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang ngayong araw, Hulyo 17.

Sa nasabing bilang, nasa 48,480 ang aktibong kaso.

Ayon sa DOH, 91.8 percent sa mga aktibong kaso ay mild, 2.1 percent asymptomatic, 1.6 percent critical, 2.6 percent severe at 1.85 percent moderate.

Nasa 1,421,372 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober matapos gumaling sa sakit ang 2,670 pang pasyente.

Habang nasa 26,476 na ang bilang ng mga nasawi matapos makapagtala ang DOH ng 162 na bagong nasawi.

SMNI NEWS