TULUY-tuloy pa rin ang pagtatanim ng ilang mga magsasaka sa San Miguel, Bulacan sa kabila ng mainit na panahon ngayong araw.
Pero, problema nila ang mataas na tubig sa palayan bunsod ng pag-uulan dahil sa lumulutang ang mga itinanim na palay.
Imbes na apat na oras lang silang magtatanim, ngayon ay umaabot sila ng anim na oras.