NANANAWAGAN ang dalawang psychologist sa Malaysia na i-block ang mga malalaswang palabas, kasunod ito ng tumataas na bilang ng kaso ng sex crimes sa bansa.
Ayon kay Behavioral Psychologist Sitra Panirsheeluam, ang internet addiction ay isang mental health issue na nangangailangan ng professional intervention.
Ayon naman kay Lihanna Borhan, isang doctor of philosophy ng International Islamic University Malaysia, ang pagkalulong ng mga kabataan sa internet ang siyang nagtutulak sa mga ito na maging marahas at maaaring humantong sa isang krimen.
Dagdag pa ng mga ito, hindi sapat ang pagharang sa pag-access sa mga malalaswang palabas tulad ng iminumungkahi ng isang deputy minister.
Ang bilang ng mga kaso ng krimen ay tumaas sa 12,890 noong nakaraang taon mula sa 11,092 na naitala noong 2020.
Umaasa si Sitra na ang mga magulang at mga guardian ng mga bata ay maturuan at mabigyan ng maikling kurso upang magabayan ang mga kabataan sa tamang paggamit ng internet.