LIMITADO na lang ang araw ng mga miyembro ng CPP-NPA-NDF sa bansa partikular na sa mga probinsiya ng Cagayan at Isabela.
“May pitong araw pa na natitira ang mga miyembro ng CPP-NPA-NDF sa probinsiya ng Cagayan.”
Ito ang matapang na pahayag ng papaalis na commanding general ng 5th Infantry Division ng Philippine Army sa mga kasapi ng teroristang komunistang kilusan na CPP-NPA-NDF sa malaking bahagi ng Hilagang Luzon.
Bagama’t batid ng militar na kakaunti na lamang ang bilang ng mga armadong kalaban ng gobyerno, pero may panahon pa aniya ang mga ito na magbalik-loob sa gobyerno.
Sa kabilang banda, sa pagdiriwang ng National Heroes Day sa bansa ngayong araw, naniniwala ang Philippine Army na panahon na para kilalanin ng mamamayan ang magagandang ginagawa ng Armed Forces of the Philippines.
Sa katunayan ani MGen. Mina, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, inatasan sila na maging matapang sa pagsugpo sa problema ng insurhensiya sa bansa sa pamamagitan ng Executive Order 70, ang NTF-ELCAC.
Sa kabuuan ani Mina, hindi naging madali ang laban ng kanilang hanay sa mga komunista sa North Luzon.
Gayunpaman, hindi aniya sila pinanghinaan ng loob lalo pa’t pinalalakas pa ngayon ng pamahalaan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Bagay na naging tulay ito para sa mabilis na pagkaubos ng mga NPA sa kanilang lugar.