Mga naapektuhan ng bagyong Florita, higit 47,000 – NDRRMC

Mga naapektuhan ng bagyong Florita, higit 47,000 – NDRRMC

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga naapektuhan ng bagyong Florita sa Luzon.

Sa ulat ng NDRRMC ngayong Huwebes, Agosto 25, umabot na ito sa 11,953 pamilya o 47,169 indibidwal.

Nagmula ang mga naapektuhan sa 392 barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, CALABARZON, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

Pansamantalang sumisilong ang 1,726 pamilya o 6,623 pamilya sa 129 evacuation centers.

Habang ang iba ay tumutuloy sa kanilang mga kaanak.

Nakapag-abot na rin ng mahigit 4.8 milyong pisong tulong ang NDRRMC sa mga naapektuhan ng bagyo

 

Follow SMNI News on Twitter