Higit 1K rebel returnees mula Negros Oriental, tumanggap ng livelihood assistance –DSWD

Higit 1K rebel returnees mula Negros Oriental, tumanggap ng livelihood assistance –DSWD

TUMANGGAP ng livelihood assistance ang 1,141 dating rebelde mula sa higit 50 conflict-affected sa Negros Oriental.

Aabot sa P16.5-M halaga ng cash assistance ang ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga peace advocates sa nasabing lugar.

Ang naturang programa ay ginawa sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng ahensiya.

Sinabi naman ni DSWD Undersecretary for Inclusive and Sustainable Peace Alan Tanjusay, ito’y bahagi ng whole-of-nation approach na tumutugon sa armed-conflict.

Sisikapin din ng gobyerno na mabigyan ng tulong ang mga rebel returnees sa pamamagitan ng mga programa nito.