PINAPAALERTO ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng paliparan sa bansa kaugnay sa nakatakdang pagbabalik bansa ni Congressman Arnie Teves.
Ito’y sa ilalim ng pangangasiwa ng PNP Aviation Group.
Matatandaang isa si Arnie Teves sa mga pangalan na kabilang sa persons of interest sa Degamo slay case.
Tugon din ito sa panawagan ng pamahalaan sa pagbabalik sa bansa ng mambabatas upang tumugon sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng mga awtoridad sa pamamaslang kay Governor Degamo.
Nauna nang nilinaw ng PNP na handa silang magbigay ng seguridad sa mambabatas pero kailangan na mag-request ang kongresista dahil hindi maibibigay ang kailangan nitong proteksiyon kung siya ay nananatiling nasa labas ng bansa.