Mga pampublikong paaralan sa bansa, may mandatong magpatupad ng 5 araw na F2F classes simula Nov. 2

Mga pampublikong paaralan sa bansa, may mandatong magpatupad ng 5 araw na F2F classes simula Nov. 2

MAY mandato ang mga pampublikong paaralan sa bansa na magpatupad ng limang araw na face-to-face classes simula November 2.

Ito ang kinumpirma ng Department of Education (DepEd) ngayong araw.

Exempted naman sa nasabing mandato ang mga pampublikong paaralan na pinagkalooban ng mga exemption ng kinauukulang direktor ng rehiyon.

Maging ang mga pampublikong paaralan na may kinanselang klase dahil sa mga sakuna at kalamidad ay exempted din.

Patuloy na naniniwala ang DepEd sa mga benepisyo ng pagdaraos ng in-person classes upang itaguyod ang pag-unlad ng akademya at ang pangkalahatang kalusugan ng isip at kapakanan ng mga mag-aaral.

Samantala, pinapayagan naman ng DepEd ang patuloy na pagpapatupad ng blended at full distance learning sa private schools matapos ang November 2.

 

Follow SMNI News on Twitter