MATAPOS ang limang taon, patuloy na kinikilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kabayanihan ng lahat ng mga tumulong upang mapalaya ang Marawi sa kamay ng mga terorista.
Ayon kay AFP spokesperson Colonel Medel Aguilar, ang kanilang paglilingkod at sakripisyo ay nagsisilbing pamana na mananatili magpakailanman sa puso at isipan ng sambayanang Pilipino.
Bagama’t natapos na aniya ang krisis ay hindi pa umalis ang mga sundalo sa Marawi at aktibo ang kanilang pagsisikap para sa kapayapaan at pag-unlad upang matiyak na hindi na mauulit ang nangyari.
Dapat din aniya nating patuloy na palakasin ang whole-of-nation approach upang mapigilan at malabanan ang violent extremism.
Kasabay nito, hinimok ni Colonel Aguilar ang ating mga kababayan, lalo na ang mga kabataan, na maging tagapagtaguyod ng kapayapaan sa kanilang mga komunidad.
