Mga panuntunan sa pagsakay ng mga alagang hayop, inilabas ng LRT-2

Mga panuntunan sa pagsakay ng mga alagang hayop, inilabas ng LRT-2

INILABAS na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang mga panuntunan sa pagsasakay ng mga alagang hayop sa mga tren at istasyon ng LRT2 simula sa Miyerkules, Pebrero 1.

Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga alagang hayop maging ang mga pasahero ng rail line.

Sa inilabas na guidelines ng LRTA, isang maliit na alagang aso o pusa lamang kada pasahero ang papayagan at libre.

Dapat nakalagay rin ang mga ito sa carrier o cage na may sukat na hindi lalagpas sa 2ft x 2ft, bawal ang stroller at dapat ilagay ito sa lap ng pasahero o sa sahig sa paanan ng pasahero.

Hindi rin puwedeng ilagay sa upuan ng tren ang carrier o cage, kailangan nakasuot ang mga alagang hayop ng diaper, iinspeksyunin din ito at dapat maipakita ang vaccination card ng alaga.

Habang papayagan lamang ang pet owner at kanyang alaga sa end o last coach ng tren at mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpapakain sa alagang hayop habang nasa loob ng tren.

Nilinaw rin ng LRTA na tanging ang passenger-owner lang ay may solong responsibilidad sa anumang injury o pinsala na maaring mangyari o gawin ng kanyang alaga.

Follow SMNI NEWS in Twitter