KASALUKUYANG dagsa pa rin ang mga pasahero sa Passenger Terminal ng Pier 1 at Pier 3 ng Cebu Port Authority (PCA).
Isa ito sa 14 na government ports sa ilalim ng pangangalaga ng Cebu Port Authority.
Ang pagdagsa ng mga pasahero ay dahil sa long weekend bunsod ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na isasagawa bukas, Oktubre 30.
At ang pagdalaw sa mga sementeryo para sa mga namayapang mahal sa buhay ngayong Undas sa Nobyembre 1.