Mga rescuer, isasailalim sa advanced training ayon sa NDRRMC

Mga rescuer, isasailalim sa advanced training ayon sa NDRRMC

ISASAILALIM ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa advanced training ang mga rescuer kasunod ng pagkasawi ng limang rescuer sa kasagsagan ng Bagyong Karding.

Ayon kay NDRRMC spokesperson at Civil Defense Assistant Secretary Bernardo Alejandro, ikinalulungkot nila ang sinapit —-ng limang miyembro ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Bagama’t maituturing aniya na bayani ang mga rescuer ay hindi na dapat malagay sa peligro ang kanilang buhay.

Kailangan aniya matiyak na magpapatuloy ang training at enhancement ng mga rescuer.

Pinaalalahanan din ni Alejandro ang mga rescuer na laging sumunod sa protocols lalo na tuwing rumiresponde sa mga mapanganib na sitwasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter