PINAYUHAN ng lokal na pamahalaan ng Navotas City ang mga residente na maging hydrated sa pamamagitan ng palagiang pag-inom ng tubig at manatili na lang sa loob ng bahay.
Ang naturang panawagan ay kasabay ng anunsiyo na kanselado ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng paaralan ngayong araw at sakop nito ang lahat ng public at private schools sa lungsod ng Navotas.
Inilabas naman ang kautusan matapos na inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na papalo ang temperatura mula sa 43 hanggang 44-degree Celsius na heat index ngayon.
Nagdesisyon aniya ang Navotas LGU na kanselahin ang klase para sa kapakanan at kaligtasan ng mga estudyante at guro.