Mga senior citizen at retirees, pinag-iingat sa mga pekeng unclaimed relief allowance text –DSWD

Mga senior citizen at retirees, pinag-iingat sa mga pekeng unclaimed relief allowance text –DSWD

PINAG-iingat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga senior citizen at retirees laban sa mga text scam na nangangako ng relief allowance.

Sa isang pahayag, nilinaw ng DSWD na walang unclaimed relief allowance program ang kanilang tanggapan.

Ipinunto pa ng DSWD na hindi rin nila gagawin na idaan pa sa text message ang mga assistance na ipagkakaloob ng national government para sa mga benepisyaryo.

Sa pahayag pa ng DSWD, mahigpit silang nakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang maihatid sa mga benepisyaryo ang tamang impormasyon.

Nagbabala naman ang DSWD sa mga indibidwal na nasa likod ng panloloko.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang DSWD sa mga otoridad upang masawata ang ganitong uri ng panloloko, at posibleng maharap pa sa patong-patong na kaso.

Follow SMNI NEWS in Twitter